Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL : Atty. Punay: VP Sara tumanggap ng P2.14M mula sa GenCorp dahil sa ‘loose investment’

Sa pagpapatuloy ng pagsalang ng abogado ng GenCorp sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, inusisa ng prosekusyon kung bakit nakatatanggap ng pera ang bise presidente mula sa naturang kumpaniya.

Ito’y kahit pa may probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal sa mga matataas na opisyal na magkaroon ng ibang pagkakakitaan. Iyan ay sa kabila ng patuloy na paggiit ng depensa na hindi naging shareholder ang bise presidente ng GenCorp. 

Inamin mismo ng abogado ng GenCorp na si Atty. Suzette Punay na mahigit dalawang milyong piso ang natanggap ni Vice President Sara Duterte mula sa GenCorp dahil sa kaniyang tinatawag na “loose investment.”

Nagpapatrol si Katrina Domingo. TV Patrol, Miyerkules, 11 November 2026.

Leave a Reply