TV PATROL: 2 naaktuhang binubutas ang poste ng kuryente para magnakaw ng bakal at kable
Arestado ang dalawang lalaki matapos maaktuhang binubutas ang poste ng kuryente para nakawin ng bakal at kable nito sa Quezon City.
Rumoronda ang ilang pulis sa Barangay Culiat nitong Martes ng hapon nang lapitan at usisain ang mga suspek sa kanilang ginagawa.
Sa Navotas City naman, nabulilyaso ang pagnanakaw rin ng kable ng dalawang suspek matapos mag-spark ang pinutol na linya ng kuryente.
Nagpulasan ang mga suspek pagdating ng mga rumespondeng taga-barangay, pero nahuli ang isa sa kanila na nagsilbing lookout.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.