Friday, November 13, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Kotse sumalpok sa bakod; 4 pasahero sugatan, 2 sa bangketa nakaligtas

Sumalpok sa bakod na gawa sa yero ang isang kotse sa Calamba City, Laguna nitong Miyerkules. 

Sa kuha ng CCTV, kitang binabaybay ng kotse ang highway ng Barangay Bagong Kalsada nang unti-unti itong gumilid sa bangketa hanggang sumampa sa gutter at tuluyang sumalpok sa bakuran. 

Swerte namang nakaiwas ang dalawang indibidwal na nasa bangketa.

Ayon sa mga rumespondeng barangay tanod, sinugod sa ospital ang apat na sakay ng sedan.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng insidente. 

TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.

Leave a Reply