TV PATROL: Lolang naiwan sa nasusunog na bahay sa Parañaque nasagip ng mga bumbero
Nasagip ng mga bumbero ang isang lola na naiwan sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Parañaque.
Ayon sa Punong Barangay, nataranta ang kanyang mga kamag-anak at naiwanan siya sa loob.
Agad na nadala sa ospital ang senior citizen na nasa maayos nang kondisyon habang walang ibang nadamay sa sunog.
Sa Las Piñas City naman, isa ang sugatan at mahigit 40 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil din sa sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy sa dikit-dikit na bahay kaya sa bubong dumaan ang ilang lumikas.
Nagpapatrol, Bea Cuadra. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.