TV PATROL: Higit 300 reklamo inihain vs mga pulis na nang-aabuso umano ng mga asawa, kinakasama
Hinihikayat ng Philippine National Police ang mga asawa at kinakasama ng mga pulis na huwag matakot isumbong ang anumang pang-aabuso na kanilang nararanasan.
Sa ngayon, umabot na sa higit 300 reklamo na ang natatanggap ng pulisya laban sa mga pulis na nang-aabuso umano ng mga babae.
Pinakamarami sa mga naitalang reklamo ngayong taon ang may kaugnayan sa psychological violence, na sinundan ng pisikal na pananakit, at mga banta at pananakot.
Iginiit ng PNP na walang puwang sa kanilang hanay ang mga pulis na umaabuso, lalo na’t tungkulin nila mismo ang pagtanggol at pagprotekta sa publiko.
Nagpapatrol, Karen de Guzman. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026