TV PATROL: Skusta Clee, Flow G, Angelica Yap sumalang sa ‘Sigabo’; Coco hands-on sa pag-direk
May dalawa pang bagong mukhang mapapanood sa ‘Sigabo’: ang mga rapper na sina Skusta Clee at Flow G.
Kasama rin ni Flow G ang partner na si Angelica Yap, pero malayo at kakaiba ang kanilang gagampanang papel sa totoong buhay.
Kwento naman ni Skusta, nagsimula sa guesting sa ‘It’s Showtime’ ang usapang sumali sila sa ‘Sigabo.’
Eksklusibong naimbitahan ang newsteam sa unang araw nila sa set at ibinahagi nila ang experience na ma-direk ng mismong primetime king na si Coco Martin.
Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.