TV PATROL: Mga pagkain at produktong Pinoy patok sa mga bisita sa ASEAN Int’l Media Center
Ilang araw bago magpulong ang mga world leader sa ASEAN Summit dito sa Pilipinas, bida ang mga pagkain at produktong Pinoy na inihanda para sa mga dadalong delegasyon at mga mamamahayag.
Inaasahan ng Department of Tourism, na makikinabang din ang mga maliliit na negosyo at mga restaurant na tatangkilin ng mga banyagang bumibisita ngayong linggo sa bansa dahil sa ASEAN Summit.
Patok na patok na sa mga bisita at maging sa mga Filipino journalist ang iba-ibang pagkain at produktong Pinoy na ibinibenta sa ASEAN International Media Center sa Pasay City.
Nagpapatrol, Katrina Domingo. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026