TV PATROL: Mainit at maalinsangang panahon iiral sa malaking bahagi ng bansa ngayong weekend
Mainit at maalinsangan ang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong weekend bagama’t may ilang lugar pa ring pwedeng makaranas ng ulan lalo sa hapon at gabi.
Ngayong Biyernes, naitala ang pinakamataas na heat index na 44 degrees celsius sa Tacloban.
Nasa limang lugar naman ang pwedeng makaranas ng delikadong antas ng damang init ngayong weekend, kabilang na ang Borongan City, Eastern Samar, Cuyo, Palawan, at mga syudad ng Puerto Princesa, Tacloban, at Zamboanga.
Ang maalinsangang Easterlies o silanganin na iiral sa halos buong kapuluan ang magdadala ng mainit na panahon ngayong weekend.
TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026