TV PATROL: Carmelle balik-bansa matapos ang makasaysayang panalo sa Eurovision Asia
Balik-Pilipinas na si Carmelle, bitbit ang tropeo, mga alaala at pagkakaibigang nabuo sa Eurovision Song Contest Asia.
Kinuwento ni Carmelle ang matinding kaba na naramdaman ng ABS-CBN Team habang hinihintay ang final votes kasama ang ‘Sobra-Sobra’ composers na sina Mat Olavides at Nica del Rosario.
Aminado si Carmelle na matindi ang pressure sa kompetisyon pero pinili niyang i-enjoy ang bawat sandali sa entablado.
Kasamang niyang umuwi ang Axis Dancers, at TNT divas na sina Lyka at Arvery Love.
Dadalhin naman ni Carmelle ang kanyang winning song na ‘Sobra-Sobra’ sa Eurovision Song Contest 2027 sa Bulgaria.
Nagpapatrol, Anna Cerezo. TV Patrol, Martes, 16 Nobyembre 2026