TV PATROL: UN Sec. Gen. Guterres pinuri ang halalan sa Bangsamoro; Myanmar atbp. isyu tinalakay
Sunod-sunod ang mga pagpupulong ng ASEAN leaders na sinalihan din ng pinuno ng United Nations bago ang nakatakdang gala dinner ngayong Lunes ng gabi.
Kabilang sa mga tinalakay nila ang UN Sustainable Development Goals na wala pa sa kalahati ang naipatutupad, at ang katatapos lang na Bangsamoro parliamentary elections.
Pinuri ni UN Secretary General Antonio Guterres ang Pilipinas dahil sa mapayapang halalan sa rehiyon. Isa aniya ito sa mga halimbawang dapat pamarisan ng ibang bansa kung saan may sigalot.
Napag-usapan din ang Code of Conduct sa South China Sea, ang at ang krisis sa Myanmar.
Mula sa International Media Center sa Pasay City, nagpapatrol si Katrina Domingo. TV Patrol, Martes, 16 Nobyembre 2026