TV PATROL: Marcos, First Lady nanguna bilang host sa ASEAN Gala Dinner
Isang gala dinner ang pangungunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos para sa mga lider ng ASEAN Summit ngayong gabi.
Suot ng mga lider ng ASEAN ang tradisyonal na kasuotang pinoy na barong tagalog na may iba-ibang disenyo.
Nakasuot naman ng Filipiniana at baro’t saya ang kanilang mga kabiyak.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, isang ‘relaxing evening’ ang aasahan ng mga lider dito sa gala dinner na muling ipapamalas ang pagkaing Pinoy at talento ng mga Pilipino.
Live mula sa International Media Center, nagpapatrol si Harlene Delgado. TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026.