TV PATROL: OFW sa Italy trending dahil sa mga post ng engrandeng table setting para sa employer
Sumikat sa social media ang isang OFW dahil sa kanyang viral content na pag-aayos ng mararangyang table setting para sa employer na miyembro ng European nobility.
Siya si Mercy Malabanan, almost 15 years nang nasa Italy. Pero bago mapadpad doon, dating bank teller si Mercy.
Bagama’t nasa abroad na noon ang asawa niyang si Amore, hindi umano sapat ang kita nilang mag-asawa para matustusan ang pangangailangan ng dalawang anak.
Dahil dito naglakas-loob siyang sumunod sa asawa na mangibang-bansa.
TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026