TV PATROL: Mainit na panahon iiral sa malaking bahagi ng bansa
Magiging mainit pa rin sa malaking bahagi ng Pilipinas bukas.
Ngayong Martes, pumalo sa 44 degrees Celsius ang pinakamataas na heat index o damang init base sa pinagsamang epekto ng temperatura at dami ng moisture sa hangin.
Naitala ito sa Guiuan, Eastern samar at Zamboanga City.
Sa Miyerkules, nasa walong lugar ang pwedeng makaranas ng delikadong antas ng damang init: 44 degrees Celsius sa Zamboanga City; 43 degrees sa Borongan City, Coron, Cuyo at Puerto Princesa, Palawan at 42 degrees sa Aborlan, Palawan, Cotabato City at Guiuan, Eastern Samar.
TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026