TV PATROL: Basketball players ng magkalabang koponan nagrambulan matapos magkainitan
Nagrambulan ang mga player ng dalawang basketball teams sa gitna ng laro ng Governors’ Cup sa Maasin, Iloilo nitong Linggo.
Unang nagkainitan ang dalawang manlalaro ng magkabilang koponan, pero agad rumesbak ang kani-kanilang teammates hanggang sa tuluyang naglabo-labo ang mga kabataan.
Agad pumagitna at umawat ang mga referee at opisyal.
Pinaalis sa court ang mga nasangkot sa gulo bago ipinagpatuloy ang laro.
TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026