TV PATROL: Hinihinalang drug den sa Libis, QC sinalakay ng pulisya; target na suspek arestado
Arestado ang isang lalaking sa Libis, Quezon City dahil sa umano’y talamak na pagbebenta ng ilegal na droga.
Nadatnan ng mga pulis sa bahay ang lalaki na target ng dalang search warrant.
Tatlong linggong tiniktikan ng pulisya ang galaw ng suspek para makakalap ng sapat na mga ebidensiya at testigo laban sa kanya.
Nasamsam ng mga pulis sa higaan ng suspek ang mahigit animnapung libong pisong halaga ng hinihinalang shabu.
Nakumpiska rin sa kanya ang ilang drug paraphernalia, isang improvised pen gun at bala.
Nag-iimbestiga na ngayon ang pulisya kung sino-sino pa ang kasabwat ng suspek sa mga iligal na transaksyon.
Nagpapatrol, Bea Cuadra. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026