Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Pulis at negosyanteng magbebenta ng alahas hinoldap; 6 sa mga suspek, pulis

Tinutugis ng mga awtoridad ang limang pulis at tatlong iba pang sangkot umano sa panghoholdap sa kapwa pulis at isang negosyante sa Caloocan City. 

Kwento ng mga biktima, nagkunwaring bibili ng gintong alahas ang mga suspek pero nauwi ang transaksyon sa holdapan.

Natangay umano ng mga suspek ang mga cellphone ng mga biktima, isang baril, at ang gintong bracelet na nagkakahalaga ng P700,000. 

Namukhaan ng biktimang pulis na kapwa niya pulis ang anim sa siyam na suspek, kabilang ang isang police major na siyang dapat bibili ng alahas at agad na naaresto.

Ayon sa Philippine National Police, apat sa mga suspek ay mga aktibong pulis habang suspendido ang isa at nasibak na sa serbisyo ang isa pa. 

Nagpapatrol, Karen de Guzman. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.

Leave a Reply