TV PATROL: Dump truck bumulusok, nagdulot ng karambola sa Antipolo; 6 sugatan
Isang dump truck ang bumulusok sa Sumulong Highway sa Barangay Mambugan, Antipolo City nitong Martes ng hapon.
Nagdulot ito ng karambola ng walong sasakyan kabilang ang isang AUV, van, kotse at limang motorsiklo.
Ayon sa Antipolo City Police, nasa ospital pa rin ang isa sa anim na nasugatan sa karambola.
Humingi ng tawad ng truck driver sa nangyari at iginiit na maayos ang kondisyon ng preno ng sasakyan nang umalis siya sa kanilang planta sa Teresa, Rizal para mag-deliver ng tone-toneladang semento sa Bulacan.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.