Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Pope Leo tiniyak na maayos ang kalusugan matapos ang lung cancer operation

Nakabalik na sa Roma si Pope Leo XIV matapos ang 12 araw na apostolic journey sa Uruguay, Argentina, at Peru.

Sa kanyang biyahe, tinatayang 13 milyong mananampalataya ang dumagsa para masilayan ang Santo Papa.

Nakapulong din niya ang mga pangulo ng tatlong bansang kanyang binisita.

Isa sa mga naging agaw-pansin sa huling araw ng kanyang pagbisita sa Lima, Peru ay nang matamaan siya sa mukha ng isang rosaryong habang sakay ng popemobile.

Sa kanyang in-flight press conference, ginawang biro pa ito ng Santo Papa at sinabing tanda lamang ito ng malalim na pananampalataya ng mga taga-Peru.

Kahit wala pang isang buwan mula nang sumailalim siya sa operasyon dahil sa lung cancer, tiniyak ng pitumpu’t isang taong gulang na santo papa na maayos ang kanyang kondisyon.

Biro pa niya, mas mukhang pagod pa ang mga reporter na nag-cover sa kanya.

Bagamat hindi isinasara ni Pope Leo ang posibilidad sa hinaharap na payagan ng simbahan ang pag-aasawa ng mga pari, hindi pa umano ito kasama sa prayoridad ng simbahan sa ngayon.

Kinumpirma rin ng Santo Papa na ang susunod niyang nakatakdang pagbisita ay sa South Korea para sa World Youth Day sa August 2027.

Leave a Reply