Friday, November 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Driver tiklo sa panghahalay umano sa mga anak ng amo ng car rental service

Timbog ang isang driver dahil sa umano’y pangmomolestya at panggagahasa sa mga anak ng kanyang amo sa pinasukang car rental service sa Antipolo City. 

Ayon sa pulisya, katatapos lang dumalo ni alyas Jeje sa hearing para sa kinakaharap na kasong acts of lasciviousness nang arestuhin sa bisa naman ng panibagong warrant of arrest sa kasong 4 counts ng acts of lasciviousness at rape.

Mariing itinanggi ng akusado ang mga bintang.

Nagpaalala naman ang pulisya sa mga biktima ng pang-aabuso na huwag matakot lumapit sa awtoridad o magsumbong sa kaanak o malapit na kaibigan para mapanagot ang may sala.

Nagpapatrol, Christopher Sitson. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.

Leave a Reply