Friday, November 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 11 Chinese, 1 Pinoy timbog sa hinihinalang scam hub sa Nasugbu, Batangas

Dinampot ang 11 Chinese at isang Pinoy nang salakayin ng mga awtoridad ang hinihinalang scam hub sa Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Police Brig. Gen. Dominic Baccay, ang hepe ng CALABARZON Police, naaktuhan ang mga suspek sa tatlong palapag na townhouse building habang nasamsam naman ang mga desktop computers, laptops at flash drives.

Batay sa paunang imbestigasyon, mala-POGO ang operasyon ng umano’y scam hub na may mga kliyente sa ibang bansa.

Natuklasan namang walang business permit ang establisiyemento habang ang mga Tsino ay walang kaukulang dokumento para magtrabaho sa Pilipinas.

Nahulihan naman ng baril ang Pinoy na nagsisilbing driver ng grupo.

TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.

Leave a Reply