TV PATROL: 2 tiklo matapos takbuhan ang checkpoint sa Bacoor City; baril nakumpiska
Arestado ang dalawang lalaki sa Bacoor City, Cavite matapos takbuhan ang mga pulis sa checkpoint at makunan ng baril.
Nagtangka pa umabong bumunot ang nakaangkas na suspek sa kanyang bag na agad namang napigilan ng mga pulis.
Nakumpiska ang baril na may lamang mga bala mula sa suspek na wala namang maipakitang sapat na kaukulang dokumento.
Sa Bacoor pa rin, arestado naman ang isang lalaki na tumangay ng isang nakaparadang motorsiklo.
Ayon sa pulisya, sinubukan pang manlaban ng suspek na dati na ring nakulong at aminadong gumagamit ng droga.
Nagpapatrol, Bea Cuadra. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.