TV PATROL: Apat na weather systems nakaaapekto sa bansa
Sa silangang bahagi ng bansa aasahan ang mga pag-ulan bagama’t uulan din sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Apat na weather systems ang nakaaapekto ngayon sa bansa: una na ang Amihan sa Northern Luzon, pangalawa ang shear line na nabubuo sa pagbabanggaan ng Amihan, at ng ikatlong weather system – ang maalinsangan na hangin mula silangan o easterlies.
Umiiral naman sa Mindanao ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Wala pa ring inaasahang bagyo sa Philippine area of responsibility hanggang sa susunod na linggo.
TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026