Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Medical, dental mission inilapit sa mga nalindol sa Lake Sebu, South Cotabato

Nahihirapan pa rin ngayon sa serbisyong medikal ang ilang residente sa bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato matapos sirain ng magnitude 7.8 na lindol ang ilan sa kanilang pangunahing pagamutan sa lugar. 

Binisita sila ng ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya, katuwang ang TV Patrol Lingkod Kapamilya, para ilapit sa kanila ang mga libreng serbisyong medikal.

Maagang pinilahan ng ilang residente ang medical and dental mission na nakaabot sa mahigit 400 indibidwal.

Nagpunta rin ang ABS-CBN Foundation sa Sitio Kinam, Barangay Malapatan sa Sarangani province para hatiran ng tulong ang ilang batang mag-aaral.

Sa kabuuan, umabot sa 600 estudyante ang nabigyan ng school supplies, first aid kit at hard hats.

Nagpapatrol, Bernadette Sembrano. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.

Leave a Reply