Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 2 bagong episodes ng educational video series ‘Estudyantipid’ inilunsad

Inilunsad ng Knowledge Channel Foundation, Inc. katuwang ang BPI Foundation ang dalawang bagong episodes ng educational video series na ‘Estudyantipid.’

Tampok sa new episodes na “Scam and Fraud (Online Shopping): Add to Cart, Add to Risk” at “Saving Tips: Ang Kaso ng Nawawalang Ipon” ang mga kaalaman, babala at tips kung paano maging wais ang mga kabataan sa paghawak ng pera at kung paano makaiwas sa panloloko online.

Kasabay nito, nai-turn over din ang Knowledge Channel Television sa Vicente Madrigal National High School sa Binangonan, Rizal at iba pang partner schools.

Inaasahang makatutulong ang mga telebisyon bilang dagdag na kagamitang pang-edukasyon sa mga guro at estudyante.

TV Patrol, Biyernes, 20 Nobyembre 2026.

Leave a Reply