TV PATROL: Lalaki nakipambuno sa snatcher sa Mandaluyong City
Hindi nagpasindak sa snatcher ang isang lalaki sa Mandaluyong City.
Nabawi ng biktima ang gintong kwintas na hinablot sa kanya ng suspek matapos itumba ang motorsiklo at makipambuno rito.
Sa huli, nabawi rin ng biktima ang alahas na nasa siyamnapung libong piso ang halaga.
Tumakas naman ang suspek patungong Boni Avenue.
Agad nagtungo sa barangay ang biktimang computer technician para magpa-blotter.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Mandaluyong Police para matukoy ang pagkakakilanlan at tuluyang mahuli ang suspek. Pinaigting pa ng barangay ang seguridad lugar. ‘Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson, exclusive. TV Patrol, Biyernes, 20 Nobyembre 2026