TV PATROL: OVP pumalag sa pag-uugnay ng tree-planting activities nito sa Cale88
Pumalag ang Office of the Vice President sa pagkokonekta ng tree-planting activities nito sa kumpanyang nauugnay sa asawa ni Bise Presidente Sara Duterte.
Mariing itinanggi ng OVP na may koneksyon ang mga proyekto ng tanggapan sa pagtatanim ng mga puno sa requirement ng Board of Investments sa Cale88 na magtanim ng isandaang puno sa loob ng isang taon ng pagkakarehistro nito sa ahensiya.
Dinepensahan naman ng tagapagsalita ng prosekusyong si Rep. Zia Adiong ang pagtatanong ng prosekusyon kaugnay dito.
Samantala, umaasa si Senate President Sherwin Gatchalian na matatapos ang paglilitis bago matapos ang taon. Nagpapatrol, Daniza Fernandez. TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026