TV PATROL: Pinakamataas na Christmas tree sa bansa pinailawan sa Tagum City
Pinailawan na ang pinakamataas na Christmas tree sa buong Pilipinas na matatagpuan sa Tagum City, Davao Del Norte.
Tradisyon na ng lungsod na itayo ang engrandeng pamaskong atraksyon na dinaragsa ng sandamakmak na lokal at turista.
Hugis regalo ang bawat layer ng Christmas tree, na may mga palamuti ring video game characters na patok sa kabataan.
Iba-ibang pamaskong atraksyon din ang binuksan at dinarayo ngayon sa iba pang bahagi ng bansa.
Sa Quezon City, star-studded ang Christmas tree lighting ceremony sa Cubao, na sinabayan ng magarbong fireworks display.
Nagpapatrol, Hernel Tocmo. TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026