Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

2 bodega ng mga electronic device nilamon ng apoy sa Valenzuela City

MAYNILA — Nasunog ang dalawang bodega ng mga electronic device sa bahagi ng F. De Zafra Street, Bgy. Maysan, Valenzuela City, pasado alas-syete, Linggo ng umaga, November 22.

“Ito pong nasunog po natin ngayon is warehouse kung saan naglalaman ito ng mga electrical devices mga gitara, may mga parcel din po,” salasay ni Fire Senior Inspector Steven Olitoquit, Chief Operations Officer, Valenzuela BFP.

Dahil sa nangyaring sunog, matinding usok ang sumalubong sa mga residenteng nakatira malapit sa nasabing bodega.

Nasa higit 60 bumbero, kabilang na ang BFP at mga fire volunteer, ang rumesponde sa sunog.

“Nung na napansin po ng first responder po natin na hindi naman na po masyadong nakalat talagang inalalay na po sa 2nd alarm,” paliwanag ni Olitoquit.

Wala namang ibang nadamay na mga tirahan o establisimyento dahil sa nangyaring insidente.

Ayon sa BFP, walang naitalang nawawala, nagkasugat, o nasawi sa sunog.

Inaalam pa ng mga bumbero ang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog at ang pinagmulan nito.

Idineklarang fire under control ang sunog pasado alas-diyes ng umaga.

IBA PANG ULAT:

Leave a Reply