Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: NU Pep Squad nakuha ang ika-sampung championship sa UAAP Cheerdance Competition

Nanatiling kampeon ang National University sa katatapos na UAAP Cheerdance Championship. 

Espesyal para sa NU ang three-peat na panalo nila sa torneo dahil sa almost perfect execution nila ng kanilang routine.

Ipinamalas ng NU Pep Squad ang kanilang galing sa pamamagitan ng malinis at matitinding stunts, pasabog na choreography at technical precision sa tribal-inspired na routine. 

Ayon sa team, papasok palang ng torneo, ginawa nilang mindset ay ang makuha ang kampeonato. 

Nagdiwang din ang University of The East Pep Squad sa kanilang silver medal finish matapos ang mahigit dalawang dekada. 

Nagtapos naman sa pangatlong pwesto ang Far Eastern University sa kanilang magical at Aladdin-inspired na routine. 

Nagpapatrol, Paige Javier. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply