TV PATROL: Ilang magsasaka nangangamba sa posibleng epekto ng Super El Niño sa paparating na anihan
Dama na ng ilang magsasaka sa Bulacan ang epekto ng Super El Niño lalo’t kinakapos na ng tubig ang kanilang mga palayan.
Ayon naman sa Department of Agriculture, halos sampung bilyong piso na ang halaga ng pinsala nito sa agrikultura.
Pero giit ng DA, walang inaaasahang kakulangan sa suplay ng pagkain.
Nitong Nobyembre, umabot na sa P18.64 billion ang halaga ng naipamahaging tulong ng kagawaran sa mga apektadong magsasaka, kabilang ang mga binhi, pataba at cash aid.
Nagbabalik, Allison Co. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026