Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Amb. Romualdez nilinaw na wala pang nilalagdaang PH-US trade deal kasunod nang paghayag ni Trump

Iginiit nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na wala pang nilalagdaang pormal na trade deal ang Maynila at Washington DC. 

Tiniyak din ng pangulo na mas mabuti para sa Pilipinas na magkaroon ng mas maraming pagbibilhan o pag-aangkatan ng mga produktong kailangan ng bansa, kaysa umasa sa iisang pagkukunan. 

Paglilinaw ito sa inanunsiyo ni US President Donald Trump na sumang-ayon umano ang Pilipinas na siyento porsyentong mag-angkat ng mga produktong pang-enerhiya at agrikultura mula sa Estados Unidos. 

Nagpapatrol, Jervis Manahan. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply