Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: DOE kinontra ang pahayag ni Trump na sa US lang bibili ng langis ang Pilipinas

Malabong sa Estados Unidos lang bumili ang Pilipinas ng lahat ng suplay nito ng langis. 

‘Yan ang sagot ng Department of Energy sa deklarasyon ni US President Donald Trump na pumayag na ang Pilipinas na ekslusibong bilhin sa Amerika ang suplay ng langis simula 2027. 

Nilinaw rin ni Energy Secretary Sharon Garin nilinaw na wala pang kasunduan at nasa negosasyon pa lang ang energy at trade deals.

Samantala, sa ikatlong sunod na linggo, may rollback na naman sa diesel at gasolina sa Martes. 

Ikinatuwa ng ilang motorista ang bawas-presyo, pero inireklamo sa social media ng maraming motorista ang pagtaas ng presyo ng ilang gasolinahan noong Biyernes. 

Nagpapatrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026

Leave a Reply