Monday, November 23, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: DA binigyang-diin ang kahalagahan ng maraming supplier para sa food security ng bansa

Binigyang-diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang pinagkukunan ng agricultural products para sa seguridad sa pagkain ng bansa.

Sa sidelines ng Asia-Pacific conference on sustainable agricultural mechanization, sinabi ni Tiu Laurel na kung mag-aalok ang Estados Unidos ng mga produktong agrikultural sa mas mababang presyo, magiging isang magandang kasunduan para sa Pilipinas ang bumili mula sa US, lalo na ang mga pananim na madalas inaangkat gaya ng soya at trigo.

Una na kasing inanunsyo ni US Presidente Donald Trump na pumayag ang Pilipinas na sa US na bibilhin ang 100 percent nitong mga pangangailangan sa pagkain at enerhiya simula Enero 2027.

TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026 

Leave a Reply