TV PATROL: 4 arestado sa pag-recruit umano ng mga Pinay para sa ‘fixed marriage’
Arestado ang tatlong Hapones at isang Pinay na nagre-recruit umano ng mga kabataang Pilipina para sa “fixed marriage” o ipinagkasundong kasal sa mga dayuhan.
Pinangakuan umano ng magandang buhay sa Japan ang mga biktima, pero pagdating doon, pagtatrabahuhin pala sila sa isang club na pag-aari ng isa sa mga suspek.
Batay sa imbestigasyon, target ng mga suspek ang mga Pinay na nasa edad disi-otso hanggang beinte y uno anyos.
Nagpapatrol, Karen de Guzman. TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026