TV PATROL: 7 ilegal na gumagawa ng paputok arestado sa Tondo, Maynila
Nasa kalahating milyong pisong halaga ng mga paputok ang nasabat ng Manila Police District sa isang bahay sa Tondo, Maynila.
Pito ang arestado matapos na abutan ng awtoridad na ilegal na gumagawa ng mga paputok.
Kahong-kahong paputok at ilang sangkap sa paggawa nito ang tumambad sa mga tauhan ng Manila Police District Station 12 nang pasukin nila ang bahay na ito sa Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Maynila madaling araw nitong Lunes.
Exclusive nagpapatrol, Jeff Caparas. TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026.