Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Pag-ulan magpapatuloy sa maraming lugar sa bansa

Maraming lugar lalo sa silangang bahagi ng bansa ang makararanas ng mga pag-ulan bukas.

Manatiling alerto at handa dahil posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahan ang mga pag-ulang ito kahit may Super El Niño dahil ang epekto ng El niño ay kabawasan at hindi kawalan ng ulan.

Patuloy pang iihip ang Amihan sa Northern Luzon habang magpapaulan ang shear line, na banggaan ng Amihan at easterlies sa silangang bahagi ng Northern Luzon.

Ang maalinsangang hangin naman ang iiral sa malaking bahagi ng bansa, lalo na sa Huwebes kung kelan hihina ang amihan at aatras din ang shear line.

Wala pa ring inaasahang bagyo sa Philippine Area of Responsibility hanggang matapos na ang Nobyembre.

TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026

Leave a Reply