Wednesday, November 25, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: MC taxi rider, pasahero sugatan matapos ma-hit-and-run ng MPV sa Rizal

Sugatan ang isang motorcycle taxi rider at ang kanyang pasahero matapos ma-hit-and-run ng multi-purpose vehicle sa San Mateo, Rizal.

Ayon sa mga nakakita, sinalpok ng sasakyan ang likuran ng palikong motorcycle taxi, kaya tumilapon ang rider at babaeng angkas niya.

Ang MPV, mahigit isang kilometro pa ang itinakbo, bago inabutan at naharang ng mga pulis.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek pero ayon sa pulisya, nagmamadali ito sa kanyang lakad kaya nabangga ang mga biktima.

‘Yan ang CCTV Patrol, Exclusive ni Christopher Sitson. TV Patrol, Miyerkules, 25 Nobyembre 2026 

Leave a Reply