Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: P3M pera, alahas natangay ng ‘Budol-Budol’ Gang; 2 kasambahay arestado

Timbog ang dalawang kasambahay na suspek umano sa pagnanakaw ng higit P3-milyong cash at mamahaling alahas mula sa vault ng kanilang amo sa Quezon City.

Depensa ng mga suspek, inakala umano nila na ang amo ang tumawag sa kanila para iabot ang mga laman ng vault sa isang lalaki, na isa palang magnanakaw.

Kaya naman puwersahang binuksan ng mga kasambahay ang vault at nagmadaling inilagay sa isang bag ang mga laman nito. 

Hinala ng pulisya, posibleng sangkot sa modus ang dalawang kasambahay at inihahanda na ang mga reklamo laban sa kanila habang tinutugis ang iba pang mga suspek. 

Nagpapatrol, Karen De Guzman. TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026.

Leave a Reply