TV PATROL: 3 arestado matapos mangholdap ng convenience store sa Sta. Rosa, Laguna
Arestado ang tatlong indibidwal matapos mangholdap ng isang convenience store sa Sta. Rosa City, Laguna.
Kita sa CCTV na tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang empleyado ng tindahan at nagdeklara ng holdap.
Agad na nilimas ng mga suspek ang perang kinita ng tindahan na nagakakahalaga ng P10,000.
Sa gitna ng manhunt ng mga operatiba, namataan ang isa sa mga suspek sa San Pedro na sakay ng motor na ginamit sa krimen.
Itinuro naman ng nahuling suspek ang mga kasabwat na agad ding naaresto ng pulisya.
‘Yan ang exclusive CCTV Patrol ni Jeff Caparas. TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026.