Friday, November 27, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

ALAMIN: Mga apektadong kalsada ng QC Eco Run sa Linggo, Nov. 29

MAYNILA — Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa Linggo, November 29, dahil inaasahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng siyudad dahil sa QC Eco Run 2026.

Isasagawa ang QC Eco Run mula 3 a.m. hanggang 9 a.m. at inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng Quezon Memorial Circle at kahabaan ng Quezon Avenue mula Elliptical Road hanggang bago mag-Araneta Avenue, ayon sa Quezon City government.

Narito ang mga kalsadang maaaring maapektuhan ang daloy ng trapiko.

• North Avenue / EDSA

• Quezon Avenue / EDSA

• QMC / East Avenue 

• QMC/ Kalayaan Ave.

• QMC / Commonwealth Ave.

• Quezon Ave. / Miriam Defensor-Santiago

• EDSA / Quezon Avenue

• Quezon Ave. / West Ave.

• Quezon Ave. / Timog Ave.

• Quezon Ave. / Araneta Ave.

Ayon sa Quezon City government, nakaantabay naman ang mga awtoridad para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.

Leave a Reply