Perfect combination

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 02 Jan 2019 07:16:02 +0000

 

 

timing box

BUKOD kay Julia Montes na natsitsimis na diumano’y buntis, may bulung-bulungan din na diumano, pregnant din si KC Concepcion. Sa latest video raw kasi na ini-upload ni KC sa socmed ay kapansin-pansin na mataba siya.

Mataba lang, buntis agad? Eh, tabain naman talaga si KC. Nagmana siya sa kanyang Mama Sharon Cuneta at yumaong Lola Elaine Cuneta.

KC Concepcion with Pierre Emmanuel Plassart

KC Concepcion with Pierre Emmanuel Plassart

Sakaling totoong pregnant si KC, matutuwa ang kanyang Mama Sharon. Sabik nang maging lola ang megastar na joke nga niya, “kikidnapin” niya ang apo niya.

Siguradong maganda o guwapo ang magiging apo ni Sharon. Perfect combination si KC and her French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart. Guwapo at maganda sila.

Alin kaya ang mauuna? Wedding bells for KC and Pierre or, baby?

 

JINX?

JESSY Mendiola and Jericho Rosales

JESSY Mendiola and Jericho Rosales

Noong presscon ng “The Girl In The Orange Dress,” sinabi ng producer na si Atty. Joji Alonso na may mga taong kontra sa pagkuha niya kay Jessy Mendiola dahil diumano, jinx daw ito.

May ibang aktres na kinunsider, pero si Jessy ang pinili ni Atty. Joji dahil bagay daw kay Jessy ang role. Sinang-ayunan ‘yun ni Jericho Rosales at inaprubahang si Jessy na ang maging leading lady niya.

Sadly, hindi satisfactory ang kinikita sa takilya ng “The Girl In The Orange Dress” sa ongoing MMFF.

Whatever! Full support pa rin si Luis Manzano sa movie ng kanyang girlfriend at ipino-promote pa rin niya ito sa socmed. “If walang #The Girl In The Orange Dress in a cinema near you! Tawag kayo at mag-request para ilagay nila!:)” post ni Manzano.

RODERICK Paulate

RODERICK Paulate

Hindi lang maiwasan ni Luis pumatol sa bashers ni Jessy at talagang nagko-comment siya.

 

OPEN

Open pa rin si Roderick Paulate gumawa ng pelikula kahit indie film. Aniya, basta maganda ang role at story. Wish nga niyang may magbigay o magpadala sa kanya ng magandang script. O, mga writers, ano pang hinihintay nyo?

 

http://tempo.com.ph/feed/