Sala sa init, sala sa lamig

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 31 Jan 2019 14:30:14 +0000

 

rica cruz - sexy mind answers

Hi Ms. Rica,

Tuwing nagsesexy time kami ng girlfriend ko, hindi po ako natatapos. Kahit gaano katagal na minsan, napapagod na po ako. Pero kapag BJ po, natatapos ako nang mabilis. May mali po ba sa akin? Bakit po ganun?

BJ

 

Hi BJ,

Salamat sa pagsulat! Gaano katagal mo na ito nararanasan? Nangyari na ba sayo ito dati o ngayon lang kapag ang partner mo ay ang girlfriend mo? May iba ka bang karamdaman sa pangangatawan? Healthy ba ang iyong lifestyle o madalas ka bang uminom o manigarilyo? Maraming mga dahilan na pwe­deng makapagexplain ng iyong condition – both psychologically and physiologically. Kung ikaw ay nababagabag sa pangyayar­ing ito ay mas mainam na mag­patingin ka sa isang doctor.

Although, normal lang para sa mga lalaki na hindi matapos from time to time. Ang mahala­ga ay nakakatapos ka sa ibang paraan. May iba’t ibang paraan para maexcite at iba’t ibang level ng intensity ang arousal ng bawat tao. Baka para sa iyo ay mas naeexcite kang na­kikitang nag-bbj ang girlfriend mo kaya ka natatapos agad. Kasama ba to sa mga madalas mong pantasya? Ano pa ang iba mong pantasya at gusto mong gawin tuwing sexy time, lalo na during penetration?

Baka mas makatulong kung paguusapan niyo ng girlfriend mo ang sitwasyon na ito. Paano niya ito tinatake? OK lang ba sa kaniya? O minsan ba ay naiinis siya? Baka rin kasi na dahil sa pressure na makatapos habang nasa loob ay lalo kang hindi natatapos! Madaming lalaki ang nakakaranas nito. Kailangan sa bawat sexy time ay relaxed ka lang at nakafocus ka sa inyong dalawang magpartner. Huwag kang ma-stress. :)

Ano pa ba ang mga pwede mong gawin? Experiment with different positions tuwing sexy time. Baka may posisyon na mas magustuhan ka at makat­ulong sa iyong pagtatapos. Pwede ring magpastimulate ka sa iyong girlfriend orally at pag malapit ka nang matapos ay tsaka mo siya ilagay sa loob. Maaari rin na ipatapos mo muna ang girlfriend mo at tignan kung mattrigger ng kaniyang orgasm ang orgasm mo habang nasa loob! Kung ano man ang iyong gagawin, ang importante ay pareho kayong nag-eenjoy ng iyong girlfriend.

Sana ay makatulong. Good luck!

With Love and Lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/The­SexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Mar­riage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

http://tempo.com.ph/feed/