Komedyante pinagseselosan

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 13 Feb 2019 12:10:44 +0000

 

kampupot

 

WALANG prenong nagkuwento sa TEMPO ang komedyante tungkol sa dati niyang dyowa na pinag-aral niya hanggang sa nakatapos.

Ayon sa kanya six years ang naging takbo ng relasyon nila at nag live-in sila.

Nakilala diumano niya ang guy nung first year college pa lang ito. Sad life ang komedyante ngayon dahil dinamdam niya nang husto ang paghihiwalay nila.

In fact, single pa rin ngayon ang komedyante and trying to find someone na magpapasaya sa kanya.

Anyway, pumalaot at nagwork sa dagat ang guy at eventually, nag-asawa after two years.

May communication pa rin naman daw sila ng dating dyowa ani ng komedyante pero malinis daw ito dahil nirerespeto ng komedyante kung anong estado na mayroon ngayon ang dating dyowa.

Nagkaroon ng anak ang dating dyowa ng komedyante at kinuha siyang ninong nito pero umayaw ito dahil respeto daw niya doon sa side ng babae.

Dahilan niya magugulat lang daw ang mga tao kung bakit siya nandodoon at inaalala ni komedyante ang sasabihin ng mga kamag-anak ng partido ng babae.

Ganunpaman, todo selos itong si ate gurl kay komedyante. Alam daw kasi nito ang nakaraan nila ng asawa niya.

Pero pinagmamalaki pa rin talaga ng komedyante ang dating dyowa dahil ipinakikita pa niya sa amin ang cellphone niya kung saan nagtabi siya ng litrato ng dati niyang bf na talagang may fez naman! (DANTE A. LAGANA)

http://tempo.com.ph/feed/