Patricia, bigay todo

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 13 Feb 2019 12:19:29 +0000

PATRICIA Javier

PATRICIA Javier

PUSPUSAN na ang paghahanda ng aktres na si Patricia Javier sa paparating niyang kompetisyon sa Mrs. Universe pageant.

Si Patricia ay kinoronahan bilang Mrs. Universe Philippines 2018 Setyembre noong nakaraang taon. Ang nasabing patimpalak ay layon na bigyang halaga ang mga kababaihang may asawa at sumusuporta sa iba’t-ibang adbokasiya.

Sa aming panayam sa aktres na sumikat sa pelikulang “Ang Kabit Ni Mrs. Montero,” ibinahagi niya ang kaniyang preparasyon sa pagnanais na masungkit ang korona.

Hiningi ni Patrcia ang tulong ni Rodgil Flores ng Kagandahang Flores camp para i-train siya. Panay na rin ang pagbisita niya sa gym at pagda-diet para ma-maintain ang ganda ng katawan.

Sa pagsali niya sa Mrs. Universe ay nais niyang i-promote ang kahalagahan ng tamang kalusugan, at pati na rin ang anti-violence against women and children.

Todo suporta naman ang mister ni Patrcia na si Dr. Rob Walcher.

“Siyempre, sobrang proud. We’re taking advantage of a lot of opportunities to spread the message about lifestyle, being healthy and how we can introduce chiropractic to the rest of the world. She gets to continue her dreams and also to spread the message of being healthy,” pahayag nito.

Lingid sa kaalaman ng marami, unang sumabak si Patricia sa larangan ng pagandahan noong taong 1998. Isa siya sa mga naging kandidata ng Binibining Pilipinas ngunit bigo siyang maiuwi ang korona.

‘Pag nagkataon, siya ang kauna-unahang Pilipina na mag-u-uwi ng titulo mula sa kompetisyong nagsimula noong 2007.

Nasa 88 ang kakabaihang lalahok sa Mrs. Universe na gaganapin sa August sa South Africa. (MAE ALCANTARA)

http://tempo.com.ph/feed/