May putok ang BF ko

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 18 Feb 2019 08:06:01 +0000

 

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng maba­basa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

May putok po ang boyfriend ko, matagal ko ng tinitiis pero hindi ko kaya! Ano po kaya ang gagawin ko?

Millete ng Mandaluyong

 

Hi Millete,

Kung hindi mo masabi ng diretso, magpahiwatig ka! Magparinig ka na ayaw mo ng amoy ng bayabas! Sabihin mo takot ka sa malakas na putok kapag bagong taon. Regaluhan mo rin siya ng deodorant at tawas! Kapag hindi pa nakaramdam, aba, mamili ka, magtitiis ka sa putok o sasabihan mo na! Ikaw din, minsan, humahawa sa damit yan!

*  *  *

Hi Alex,

Madami pong ipis sa amin at madalas nakakakita ako na nagse-sex na dalawang ipis! Ano po ba ang dapat kong gawin kapag nakakita ako ng nagsesex na ipis?

Lauro ng Paranaque

 

Hi Lauro,

Eh di patayin mo! Anong gusto mong gawin, panuorin? I-video? Palakpakan? Diyos ko! Nakita mo ng nagse-sex, papabayaan mo lang! Anong gusto mo, dalhin mo sa motel? Bigyan ng kama? Lagyan ng background music? Tinatanong pa ba ‘yan?! Patayin mo! Hampasin mo ng tsinelas para hindi dumami!

*  *  *

Hi Alex,

Ang dami kong kaibigan na kapag nakikita ko, laging naka-headphones at earphones! Hindi ko tuloy sila makausap nang maayos! Bakit may mga taong mahilig gumamit ng earphones o headphones?

Menchu ng Quezon City

 

Hi Menchu,

Kaya sila gumagamit ng headphones at earphones eh dahil ayaw ka nilang makausap! Yan din ang style ko para hindi ako kausapin ng taong ayaw kong kausap, ang magsuot ng earphones at headphones!

*  *  *

Hi Alex,

Matagal na po akong nagpapapayat pero hanggang ngayon bigo ako! Lahat ng diet ginawa ko na, sinabayan ko pa ng exercise! Pero hindi effective! Simple lang naman ang gusto ko kaya ako nagpapapayat, gusto ko lang lumiit ang hita ko! Pero kahit anong gawin ko, hindi siya lumiliit! Ano ba ang dapat kong gawin sa hita ko?

Celine ng Makati City

 

Hi Celine,

Paputol mo ang hita mo para wala ka ng problema! Sure yan, walang paltos! Kung ayaw mong paputol, lihain mo lang para lumipis! Masakit pero at least liliit ang hita mo!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/