Mahilig ang Kano sa exotic

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 11 Mar 2019 07:55:21 +0000

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Uso ang mga selfie sa social media ngayon. Ang nakakainis, kapag nagpapakuha ako ng picture o nagseselfie ako, ang pangit ko! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para maging maganda ako sa picture! Ano ba ang maipapayo mo Tito Alex?

Celia ng Pandacan

 

Hi Celia,

Tama ka, usong-uso ang mga selfie sa social media ngayon, lalo na sa Instagram. At hindi lang mga babae ha, pati mga lalake, nagseselfie na rin. Pero of course, sa mga babae, big deal talaga ito. Ito ang mapapayo ko, hanapin mo kung saan maganda ang angulo mo! Madalas ko mapansin sa mga babae yan, iisa ang angulo o posing kasi maganda sila. Kapag mataba nga, kumukuha ng angulo para mukhang payat. Hanapin mo ang tamang angulo mo. Kung wala, gumamit ka ng photoshop. Madami ng gumagawa nun. Siguraduhin mo lang hindi halata! Ang problema lang, kapag masyado mong pinaganda ang sarili mo, baka sa personal, hindi ka na makilala. Madaming mga lalake ang makikipagkita sa’yo, pero kapag nakita ka, hindi maniniwalang ikaw yun! Kung hirap ka sa photoshop, ito na ang huli mong gawin! Magpapangit ka sa picture, yung nakangiwi ang bibig, usli ang nguso, tabingi ang mukha, basta kahit anong pagpapapangit! Para mailto sila kung pangit ka ba o nagpapapangit ka lang!

*  *  *

Hi Alex,

Madalas akong nakatambay sa P. Burgos at ang napapansin ko, madaming mga foreigner ang may mga kasamang Pinay. Ang mga Japanese, Korean, at European, ang gaganda ng mga kasama. Pero pagdating sa mga Americans, hindi masyado magaganda or kung tawagin sa amin ay ‘exotic’ ang itsura. Bakit karamihan sa mga girlfriend o asawa ng mga amerikano, hindi masyado magaganda?

Pedro ng Makati

 

Hi Pedro,

Kanya-kanyang trip yan! May kasabihan nga, beauty is in the eye of the beholder! Sa mata nila, maganda ang mga babaeng ito! Saka maging masaya ka na lang sa mga kababayan mong babae na may boyfriend o asawa na Amerikano. Magiging maganda na ang buhay nila, magkaka-anak pa sila ng mga tisoy at tisay na blue ang mata! Mas interesado ako kung bakit ka madalas nakatambay sa P. Burgos! Anong ginagawa mo dyan!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/