Gusto kong maging suso

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 24 Apr 2019 16:10:54 +0000

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Dalawang pagkain ang usong-uso ngayon, ang milk tea at ang samgyupsal! Pare­has ko ng natikman ito. Ang milk tea, madami na akong nasubukan, may masarap, may hindi, may mahal, may mura. Sa samgyupsal na­man, may masarap din, may hindi, may mahal, may mura. Ang nagtataka lang ako, bakit bigla itong nauso at bakit ito nauso?

Joan ng Pasay

 

Hi Joan,

Maraming dahilan kung bakit nauuso ang isang bagay. Masarap, maganda o kaya maganda ang quality. Pero tayong mga Pinoy, kaya may nauusong isang bagay, dahil sa bandwagon syndrome. Kapag sikat at uso, sunod din tayo, kapag ginagawa ng kaibigan natin, gagawin din natin. Kapag nakita natin na madami ang gumagawa, sama rin tayo lalo na kung sikat na artista! Ang milk tea at samgyupsal nauso kasi maraming ang kumakain. Kaya ayun, para siyang lechong manok o kaya shawarma, putok na putok ngayon! Hintay ka ng konting panahon at malalaos na naman yan at may papalit na bago!

*  *  *

Hi Alex,

Dahil hindi na si Liza So­berano ang gaganap na Darna, marami na ang mga sumulpot na pangalan na papalit sa kanya. May mga bagay, may mga hindi. Ang ibang mga Pinoy, may mga hinahanap na qualities para maging isang Darna, more­na, maganda, medyo malaki ang boobs at magaling sa action. Kaya ako excited eh. Kasi gusto ko malaman kung sino ang susunod na Darna! Sana yung susunod eh magaling at talagang bagay maging Darna! Ikaw Tito Alex, sino ang gusto mong maging Darna?

Aena ng Tayuman, Manila

 

Hi Aena,

Sa totoo lang, nakakainis na mas mahalaga pa sa atin ang susunod na Darna kesa sa mga iboboto nating senador sa darating na eleksyon! Wala akong pakialam kung sino ang susunod na Darna! Mas ma­higpit pa tayo sa pamimili kung sino ang susunod na Darna kesa sa susunod na Mayor ng lugar niyo! Baka naman gusto niyo rin malaman kung sino ang susunod na Ding?

*  *  *

Hi Alex,

Kung mabubuhay ka bil­ang isang hayop o insekto, ano ka at bakit Tito Alex?

Marlon ng Tondo, Manila

 

Hi Marlon,

Suso! Gusto ko maging suso para may sarili akong bahay! Suso or snail ha! Baka ibang suso ang nasa isip niyo!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/