Mayor Isko Moreno maalam sa salitang-kalye

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 17 Jul 2019 07:30:58 +0000

timing box

 

 

SINAMAHAN ni Jessica Soho si Mayor Isko Moreno sa paglilibot sa Manila at inilabas niya ito sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Si Jessica pa ang nagbayad ng kinain nilang hopia na tanghalian nila. Ani Mayor Isko, wala pa raw kasi siyang suweldo.

P100,000 plus pala ang suweldo ng mayor, kaya tinanong siya ni Jessica kung sapat ba raw ‘yun? Ani Mayor Isko, kumakain siya noon ng basura, mag-rereklamo pa raw ba siya sa P100,000?

ISKO Moreno (Twitter)

ISKO Moreno (Twitter)

Kahanga-hanga si Mayor Isko na parati niyang ipinapaalaala na dati siyang basurero. Nagto-tong-its pa rin siya hanggang ngayon sa lamay ng mga patay. Doon siya nadiskober para mag-artista.

Ang daming salitang kalye ang alam ni Mayor Isko gaya ng etneb (bente), pusam (sampu), Eddie (eh di siya), Patty (pati mga kasama niya), wakali (kaliwa), kodli (likod), oblo (loob o kulungan), lasma sa ledgi at dangban wakali (malas sa gilid, bandang kaliwa), spiderman (nagkakabit ng jumper ng kuryente).

Ayon pa kay Mayor Isko, organizer na ang tawag ngayon sa sindikato. Nag-level up na, huh!

http://tempo.com.ph/feed/