Thor Gomez, agaw-pansin

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 08 Aug 2019 09:32:21 +0000

 

THOR Gomez

THOR Gomez

BUMUHOS ang luha sa unang araw ng weeklong Grand Finals ng “Bidaman: The Big Break!” ng ABS-CBN.

Ito’y artista search segment ng “It’s Show­time” kung saan isang guwapo at talented na lalaki na maaring maging isang “bida” o leading man sa telebisyon at pelikula ang mananalo.

Isa sa kumuha ng ating atensyon ng mara­mi ay ang 19-year-old Bidaman ng Tondo na si Thor Gomez na umamin na anak siya ng dating sexy actor na si Hector Gomez.

Para sa kaalaman ng iba, si Hector ay nagkaroon ng ilang pelikula gaya ng “Nights of Serafina” (1996); “Ikaw pa rin ang Iibigin” (1998); “Banatan”, (1999); “Most Wanted” (2000), at iba pa.

Isiniwalat ni Thor na hindi raw sila masya­dong close ng kanyang ama at hindi raw nito suportado ang pagsali niya sa contest.

“Ayaw akong suportahan parang ida-down pa po niya ako,” diin ni Thor na maluha-luha.

Tuluyang naging emosyonal ang binata nang aminin nitong dating nalulong sa ipi­nagbabawal na gamot ang ama.

Minsan din daw na gumamit si Thor ng droga noong panahong nagrerebelde siya to the point pa na lumayas siya at nakitira sa kung kani-kanino.

Pagtitinda gamit ang kariton ang ikinab­ubuhay ng kanilang pamilya sa pangunguna ng kanilang ulirang ina.

Kung manalo man daw siya sa “Bidaman” gusto niyang bigyan ng maliit na restaurant ang kanyang ina at babayaran ang mga utang nila.

Hindi man napili si Thor kasama ng ilan pa sa unang araw ng “Bidaman: The Big Break” binigyan naman siya ng isa pang pagkakataon para patunayan ang sarili.

Babalik siya sa Friday para sa Head Hurado’s Choice.

Sa Sabado, Aug. 10, malala­man kung sino ang kauna-unah­ang “Bidaman.”

http://tempo.com.ph/feed/