Makabayan si ‘Manoy’!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 08 Aug 2019 09:17:51 +0000

 

alex calleja alex-syon of the Day

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

May nanliligaw sa akin. Macho siya at gwapo. Makinis ang kutis at palaging mabango. Dinalaw niya ako sa bahay. Nakilala niya ang kuya ko na may itsura din. Mula noon, kapag dumadalaw siya eh lagi niyang hinahanap ang kuya ko. Lagi rin siyang su­masama sa mga gimik ng kuya ko. Kapag may pasalubong si­yang pagkain, gusto niya, kakain din ang kuya ko. Sagutin ko na ba siya dahil close naman siya sa kuya ko?

                                                                                    Aina ng Baguio City

Hi Aina,

Bago mo siya sagutin, siguraduhin mo muna na ikaw ang gusto! Sa pa­kiramdam ko, kuya mo ang kursunada niya. Pakiramdaman mo rin. Baka imbes na boyfriend ang makuha mo eh, magiging ate mo pala yan dahil ang kuya mo syota niya!

Hi Alex,

Nabasa ko sa Facebook na hindi na tinatablan ng insecticide ang mga ipis ngayon. Nasabi din sa balita na lalong lumalakas ang mga ipis at nagiging imortal na sila. Kapag nagkaroon nga daw ng nuclear war eh ang mga ipis lang ang makakaligtas. Totoo po ba ito?

                                                                                    Pio ng Makati City

Hi Pio,

Totoo yan dahil nag-eevolve na ang mga ipis. Hindi na sila talaga tinatablan ng mga insecticide dahil na-immune na ang katawan ng mga ipis. Pero sa Pilipinas hindi sila uubra! Kahit ano pang gawin nila, patay sila kapag pinalo ng tsinelas! Wala pang pangontra ang mga ipis sa tsinelas! Labas ang laman-loob nila kapag nahampas sila!

Hi Alex,

Matagal ko ng gustong itanong ito Tito Alex. May asawa po ako at kapag umaga nauuna akong gumising sa mister ko. Ang na­papansin ko, kapag umaga, laging nakatayo ang ari niya. Bakit ba nakatayo palagi ang ari ng lalake sa umaga?

                                                                                    Tanya ng Pasay City

Hi Tanya,

Nakatayo ang ari naming mga lalake sa umaga kasi kami ay makabayan! Bakit makabayan? Tuwing umaga kasi ang flag ceremony! At kapag flag cer­emony, inaawit ang pambansang awit ng Pilipinas. Kaya kapag nakita namin na tinataas ang bandila at inaawit ang pambansang awit, tumatayo ang ari namin bilang pagpapakita na kami ay makabayan! Minsan silipin mo dahil taas-noo pa yun habang nakatayo!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alex­calleja1007

http://tempo.com.ph/feed/